Aabot sa limang ballistic missiles na pinakawalan ng China ang bumagsak sa Exclusive Economic Zone ng Japan.
Isinagawa ito ng China dalawang araw matapos bumisita sa Taiwan si US House Speaker Nancy Pelosi.
Ayon kay Japanese Defense Minister Nobuo Kishi, pinakawalan ng China ang mga ballistic missiles sa gitna ng military exercises kahapon.
Mariin namang kinondena ng Japan ang ginawang ito ng China na malaking banta sa national security at kaligtasan ng mga mamamayan.
Ang naturang pagsasanay ang pinakamalaking aktibidad sa Taiwan Strait kung saan nagpakawala ng missiles ang China patungong hilaga, timog at silangan ng Taiwan.