Naglabas ng travel advisory ang limang bansa kaugnay sa pag-biyahe sa ilang bahagi ng Negros sa Visayas.
Binalaan ng Ireland, Canada, New Zealand at United Kingdom ang kanilang mamamayan na tutungo sa Southern Negros, kabilang na ang Dumaguete City matapos ang insidente ng pananambang ng New People’s Army o NPA sa mga pulis kung saan nadamay ang isang Brazilian at Swedish national.
Nakasaad sa inilabas na babala ng Canada na minaltrato ng mga kidnappers ang mga dayuhan na kanilang dinukot kasama na rin dito ang banta sa seguridad sa Mindanao, Southern Negros, Siquijor, Palawan at mga probinsyang nakapaligidi sa Sulu Sea.
Nagbabala naman ang Uk sa talamak na banta ng pagdukot sa Mindanao, Sulu, Palawan, at Central Visayas, Kabilang ang Siquijor at Dumaguete.
Maging sa mga resorts umano at diving spot na malapit sa Sulu at Celebes Sea.
—-