Sasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang limang Barangay sa Puerto Princesa City, Palawan bunsod ng pagsipa ng kaso ng COVID-19 rito simula Biyernes, Abril 23 hanggang Abril 30.
Ayon kay Dr. Dean Palanca, Commander ng Incident Management Team ng Lungsod na nasa kritikal na lebel ang COVID-19 sa Puerto Princesa kaya’t kailangan ng dagdag na measure para mabawasan ang pagtaas ng kaso.
Ang mga barangay na isasailalim sa ECQ ay ang mga sumusunod:
– Barangay San Pedro (39 active cases)
– Barangay San Miguel (28 active cases)
– Barangay Sta. Monica (23 active cases)
– Barangay San Jose (20 active cases)
– Barangay San Manuel (15 active cases)
Batay sa pinakahuling tala ng Local Inter-Agency Task Force nitong Miyerkules nasa kabuuang bilang na 358 na ang kaso ng COVID-19 sa Puerto Princesa at sa ilang munisipyo ng Palawan—sa panulat ni Agustina Nolasco