Naospital ang 5 bata sa pikit, Cotabato makaraang kumain ng nakalalasong bunga ng tuba-tuba.
Ayon sa Kalantongan Municipal Disaster Risk Reduction ang management office, ang mga nalasong bata ay nasa 2 taong gulang hanggang 12 anyos.
Sinasabing nakaramdam ng pananakit ng tiyan na nasundan ng pagsusuka ang mga bata makaraang kumain ng tuba tuba.
Paalala ng mga otoridad lalo na sa mga bata, huwag kumain ng bungang hindi kayo pamilyar upang maiwasan ang food poisoning.
By: Ralph Obina