Limang batas ang pinaplano umanong amyendahan ng Senate Blue Ribbon Committee para hindi na maulit ang 81 million US dollar money laundering scam.
Kabilang sa mga nais amyendahan ng senado ang Anti Money Laundering law para mapabilang ang mga casino sa o obligahing mag-report ng kahina-hinalang pera na pumapasok at lumalabas dito.
Kailangan din ang mas mahigpit na pagbabantay sa mga remittance company tulad ng Philrem at mapabigat ang parusa sa mga bangkong sangkot sa money laundering.
Dapat ding amyendahan ang Bank Secrecy Law at Foreign Currency Deposit Unit Law para hindi ito magamit na proteksyon at depensa sa mga nahaharap sa imbestigasyon dahil may ginawang krimen o katiwalian.
Magugunitang hindi kaagad napa-hold o na freeze ng RCBC ang 14 na fictitous accounts dito dahil walang kautusan mula sa Anti-Money Laundering Law.
Nais ding paamyendahan ng senado ang General Banking Act at maging ang charter ng PAGCOR.
By Judith Larino | Cely Bueno (Patrol 19)