Pasok sa TasteAtlas 50 best noodles ngayong Setyembre ang limang bersyon ng Pancit sa Pilipinas.
Ito ang Pancit, Canton, Bihon, Palabok at Lomi.
Nakakuha ng rating na 4.3 out of 5 ang Pancit; 4.2 ang Canton, Bihon at Palabok habang 4 ang Lomi.
Nakalagay pa sa website ng TasteAtlas ang rekomendasyong subukan ang Nanay’s Pancit Malabon, Three Sisters Restaurant, Liam’s Lomi House, Mama Belen’s Kitchenette at Cafe Adriatico.
Ilan pa sa mga Asian dishes na napasama sa listahan ay ang Dan Dan Noodles, Pho, Pad Thai, Laksa at Japchae.