Isiniwalat ng isang digital advisory firm na papalo sa limang bilyong tao o higit sa 60% ng populasyon sa mundo ang aktibo ngayon sa iba’t ibang plataporma ng social media o socmed.
Sa pinakahuling quarterly report ng Kepios, umakyat sa 3.7% ang mga users ng social media ngayong taon kumpara noong 2022.
Nasa 5.19 bilyong tao o 64.5% ng world population ang gumagamit ng internet.
Gayunman, ipinaliwanag ng Kepios na malaki ang pagkakaiba ng nakakagamit ng teknolohiya, batay na rin sa kinaroroonang rehiyon sa mundo.
Inihalimbawa ng kompanya ang central Africa kung saan isa sa labing-isang tao sa east at central Africa ang nakakagamit ng social media na malayo sa India na may isa sa 3 tao na gumagamit ng socmed.
Binanggit din na gumugunot ang mga netizens ng 2 oras at 26 minuto kada araw.
Sa kasalukuyan, may tatlong social media applications ang Meta na kinabibilangan ng WhatsApp, Instagram at Facebook na pinakapamoso sa Pilipinas.