Nananatiling nasa high risk area ang 5 barangay sa Batangas dahil sa pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Kabilang dito ang mga barangay na nasa 3 hanggang 4 na kilometrong permanent danger zone.
Gaya ng barangay Bilibinwang at Banyaga sa Agoncillo, barangay Buso Buso, Gulod at Bugaan East sa Laurel.
High risk area rin ang Volcano Island na idineklarang permanent danger zone at No Man’s Island.
Gayunman hindi pa rin nakikita ng PHIVOLCS ngayon na magiging kasing lala ng sitwasyon nuong sumabog ang bulkan noong Enero 2020.
Yung ating pong binabantayan kung sakaling meron pang aakyat kung may pressure po talaga ang umaakyat sa Magma eh dapat mamaga ng mas matindi ang kasalukuyang pinapakita ng Taal Volcano Island sa ngayon po steady lang at dahan-dahan at di pa po talaga personal meron po tayong mga instrumento na ang tinatawag ay…. kumbaga kung maglagay ka ng instrumento na merong fencing na…. pag mayroong sumuksok pailalim tatagilid siya ito po ay electronic continuous po yan iyan ay pinapadala via region doon sa ating estasyon ito po ay nakabaon sa lupa meron tayong GPS sensors sa isla at sa paligid para din makita itong long term na pagbabago po ng namamaga ba andon po yung instrument sa isla kasi dyan po na-sesense ang mas mababaw na aktibidad. si Usec. Solidum sa panayam ng DWIZ.