Binawian ng buhay ang 5 turistang Chinese national at 2 pa ang sugatan, lulan ng isang tour bus na tumaob sa New Zealand.
Ayon kay Pol. Insp. Brent Crowe, 27 ang turista na lulan ng tour bus at patungo sana sa Rotorua nang bigla nitong hindi nakita ang palikong daan kaya’t sumadsad ang bus sa kabilang bahagi ng kalsada.
Dagdag pa ni Crowe, wala nang ibang sasakyan ang nadamay sa nasabing insidente at pinaghihinalaang sama ng panahon ang siyang dahilan ng trahedya.
Samantala, nagpalabas naman ng pahayag ang Chinese embassy diplomat na si Liang Zhi, na sana ay magpaabot ng tulong ang mga opisyal ng New Zealand.
Sa panulat ni Lyn Legarteja.