Arestado ang limang Chinese National dahil sa pag-eespiya.
Iprinisinta ng National Bureau of Investigation sa publiko ang mga naaresto na sina Cai Shaghuang; Wang Yong Yo; Wu Jun Ren; Wu Chengting at Haitao Chen.
Ayon sa mga awtoridad, ang mga naaresto ay sangkot sa paniniktik o pagmamanman sa mga naval detachment; coast guard station at mga dockyard ng Philippine Navy.
Nakuha sa nasabing mga dayuhan ang mga high tech na kagamitan gaya ng long range CCTV na high powered kung saan nakita ang mga litrato ng mga barko ng Pilipinas at ang mga Coast Guard station at mga daungan.
Naniniwala ang mga awtoridad na may kaugnayan ang mga ito sa una nang naaresto na si Yuanqing Deng na nahuling nag-iikot sa mga base militar at maging mga LGU at malls kung saan nakuha ang mga gamit pang-espiya.
Nabatid ma miyembro ang mga naarestong dyuhan ng ilang samahan gaya ng Qiaoxing Volunteer Group of the Philippines at Philippine China Association of Promotion of Peace and Friendship. – Sa panulat ni Kat Gonzales