Tinatayang P50 milyong pisong halaga ng shabu ang nasabat ng mga otoridad sa barangay Magsaysay, Congressional Avenue Corner Edsa Muñoz sa Quezon City.
Natimbog din sa naturang buy bust operations ang 5 Chinese nationals.
Hinihinala ng mga otoridad na may kinalaman sa magkahiwalay na operasyon sa Pasay City at Pasig City ang pagkakasabat sa naturang 10 bag ng shabu.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Chief Supt. Joel Pagdilao, iimbestigahan pa nila ang mga naturang Chinese nationals at kung gaano kalawak ang papel ng mga ito sa operasyon ng illegal drugs sa bansa.
“Titignan po natin kung sa mga nakita nating mga identities, they will all be subject for investigation, kung gaano na katagal, aalamin nating lahat kung anong grupo ito/” Pahayag ni Pagdilao.
By Judith Larino | Jopel Pelenio (Patrol 17)