Dinukot ng Abu Sayyaf Group ang limang (5) construction workers sa Patikul, Sulu.
Ayon sa Patikul Municipal Police Station, nangyari ang pagdukot ala-1:30 ng madaling araw nang salakayin ng mga bandido ang Kawpang Elementary School Sports Complex, saka dinukot ang lima.
Kinilala ang mga biktima na sina joel Adanza, Felimon Jung Guerrero, Edmundo Ramos at Jayson Ramos Vailosis na pawang residente ng Barangay Tumaga; at Jenly Miranda ng Barangay Pasonanca, Zamboanga City.
Humihingi umano ang Abu Sayyaf ng tig-isang milyong pisong (P1-M) ransom sa kaanak ng mga dinukot na biktima.
- Meann Tanbio