Isasailalim sa debriefing at profiling ang 5 miyembro ng New People’s Army (NPA) upang maipasok sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ang nasa limang dating miyembro ng NPA.
Ito’y ayon sa Army’s 202nd Infantry Brigade matapos ang ginawang pagsuko ng mga dating rebelde sa Pamahalaan sa Kalayaan, Laguna kamakailan.
Kabillang ang mga sumuko sa Sub-Regional Military Area 4A at 4C ng New People’s Army na nag-ooperate sa bahagi ng Batangas, Cavite, Rizal at Quezon (Calabarzon).
Ayon kay Brigade Commander B/Gen. Alex Rillera, nangyari ang negosasyon sa Brgy. San Antonio kung saan kasamang isinuko ng mga ito ang 3 nilang armas.
Hindi na isinapubliko ng Militar ang pagkakakilanlan ng mga sumukong rebelde upang maiwasang gantihan sila ng mga dating kasamahan.