Hinimok ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang gobyerno na iklian ang quarantine period ng mga biyahero mula North America.
Layunin nito na palakasin ang turismo at ekonomiya ng bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Kumpara sa kasalukuyang sampung araw, nais ni Concepcion na gawin na lamang limang araw ang quarantine period upang makabawas sa gastos ng mga byahero partikular ang mga turista.
Isinusulong naman ng Department of Tourism na tanggalin na ang quarantine period at luwagan ang restrictions lalo’t mayorya naman ng tourism workers ay bakunado na.
Samantala, inihayag ng Department of Health hindi pa nila inirerekomenda ang pagpapaikli sa quarantine period dahil 22 bansa sa North America ang nananatili sa moderate risk category. —sa panulat ni Drew Nacino