Inaresto ng mga otoridad ang limang dayuhan matapos makuhanan ng marijuana makaraang bumisita sa kilalang tattoo artist na si Apo Whang-Od sa Barangay Buscalan, Tinglayan, Kalinga.
Kinilala ang mga suspek na sina mark adrian aguilar, 18-anyos; Andrie Punsalan, 21-anyos; Ramil Limtoyoco Dela Cruz, 21-anyos; Alvin Triplett Medel, 24-anyos at Mark Joseph Dela Pena, 23-anyos.
Base sa imbestigasyon, naharang sa checkpoint ang mga suspek kung saan, aabot sa 17 bricks ng dried marijuana leaves ang nakuha na may timbang ng mahigit 20 libo at nagkakahalaga ng 2.5 million pesos.
Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kasong kakaharapin ng limang suspek. – sa panulat ni Angelica Doctolero