Limang (5) drug suspects ang patay sa magkahiwalay na drug bust operations ng pulisya sa Laguna.
Ang unang drug bust ay naganap sa barangay Sto. Anghel San Pablo City kung saan napatay matapos manlaban ang tatlong suspects.
Kabilang sa mga napatay ang nakilalang si Reynaldo Dante, isang AWOL na miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa Region 4, isang kinilalang si Wilbert Sardido at hindi pa nakikilang suspek.
Nakuha sa suspects ang tatlong kalibre .45 baril, pitong sachets ng hinihinalang shabu at dalawang libong piso.
Samantala, dalawa pang drug suspects ang napatay sa shootout sa barangay Pansol, Calamba Laguna.
Napatay sa labanan sina Christopher Manjares Gonce alias Boy B at isang hindi pa nakikilalang suspek.
Nakuha sa mga suspek ang isang kalibre .38 baril at isang M-203 grenade launcher.
5 drug suspek, patay matapos umanong manlaban sa magkakasunod na anti-drug operations ng Laguna police kaninang madaling araw @dwiz882 pic.twitter.com/U42VaA3VTW
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) April 25, 2018
(Ulat ni Jonathan Andal)