Arestado ang limang drug suspekts sa magkahiwalay na drug operation sa Albay at Camarines Sur ayon sa report ng pulis ngayong linggo.
Sa pahayag ni Bicol Police Spokesperson, Police Major Maria Luisa Calubaquib, nakuha sa mga suspekts ang ilang sachet ng shabu (crystal meth).
Kinikilala sina Garry De Lima, 30 taon gulang at si Marvin Moreno, 27 gulang na parehong residente ng barangay Mabolo at high-value targets ng pulisya, na nahuling nagbebenta ng shabu mga ala-1 ng hapon sa kanilang village.
Kasunod dito, nadakip din si Allan Lanuzga, 46 taon gulang, pangwalo sa high-value targets at nahuling nagbebenta sa isang drug agent sa barangay Abella, mga 7:50 ng gabi.
Sa Tobaco City, arestado sa barangay Basud si Lionel Colina, a.k.a Linard Ciruales, 34 taon gulang na residente ng barangay Mariroc.
At sa Polangui, Albay, nakuha ang dalawang sachet ng shabu kay John Lloyd Alpapara, 20 taon gulang residente ng barangay Sugcad.
Ani Police Major Calubaquib, ang mga arestadong suspeks ay nasa Police Custodial habang naghihintay ng formal complaint sa pagbebenta ng illegal na droga sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. —sa panulat ni Airiam Sancho