Nasunog ang tinatayang limang ektarya ng lupain sa Island Garden City of Samal, Davao del Norte.
Ayon sa Samal Central Fire Station, inabot ng halos apat na oras bago tuluyang naapula ang sunog sa Mt. Puting Bato kung saan, kabilang sa mga nasunog ang mga punong itinanim sa tree planting activities sa nabanggit na lugar.
Wala namang imprastrakturang nadamay at wala ding naitalang nasawi o nasugatan sa sunog.
Patuloy pang nag-iimbestiga ang mga otoridad pero isa sa tinitingnan sanhi ng sunog ay ang itinapong sigarilyo sa lugar.