Ibinasura ng DOJ panel of prosecutors ang isinampang kasong rebelyon laban sa limang empleyado ng UCPB o United Coconut Planters Bank.
Ito’y makaraang makumpiskahan ang mga ito ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ng perang nagkakahalaga ng halos 33 Milyong Piso sa Port Macabalan sa Cagayan de Oro City.
Batay sa inilabas na resolusyon, nilinis sa reklamong rebelyon ang mga empleyadong kinilalang sina Rhodelle Nagac na siyang operations manager ng UCPB sa Velez Branch sa Cagayan de Oro City; ang Bank Teller na si Rolando Limbo Jr; Branch Manager na si Maria Cecilia Lim at ang mga security guard na sina Leonilo Enterina at Reynaldo Puyos.
Ayon sa panel of prosecutors, walang sapat na ebidensya na magdiriin sa lima hinggil sa nasabing kaso dahil hindi rin sapat ang mga intelligence report na inilatag ng coast guard para pagbatayan ng probable cause.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo
5 empleyado ng UCBP na nakuhanan ng milyong Pisong salapi sa CDO inabsuwelto ng DOJ was last modified: June 30th, 2017 by DWIZ 882