Arestado ang limang (5) estudyante dahil sa pagbebenta ng high grade marijuana sa Lucena City.
Pawang nasa edad kinse (15) hanggang disi-siete (17) ang mga nadakip na mag-aaral na nasa high school at college.
Ayon Lucena City Police Chief Superintendent Vicente Cabatingan, nakuha sa grupo ang dalawandaang (200) gramo ng high grade marijuana na tinatayang nasa tatlongdaang libong piso (P300,000) ang halaga.
Parokyano umano ng mga suspek ang mga kapwa rin nila estudyante na nag-aaral sa mga pribadong paaralan.
Hindi naman itinanggi ng mga estudyante ang pagtutulak nila ng marijuana.
—-