Limang gintong medalya ang naging kontribusyon ng Philippine Wushu players sa ikatlong araw ng SEA Games.
Sa 48 klogram category, tinalo ni Divine Wally ang kalabang Vietnamese upang masungkit ang gold medal sa womens division samantalang si Jessie Aligaga naman ang namayani sa mens division.
Si Arnel Manda naman ang sumungkit ng gold sa 52 kilogram category samantalang si Francisco Solis ang sa 56 kilogram category.
Ang ikalimang ginto ay nakuha ni Clemente Tagubara Jr. para sa 65 kilograms category.