Nagpositibo sa corona virus disease ang 5 guro sa Zambales bago isagawa ang pilot run ng face to face classes kahapon.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Zambales, 10 paaralan ang nakatakdang lumahok sa pilot run ng face-to-face classes kung saan, karamihan dito ay mga Indigenous People o IP schools.
Kabilang pa sa mga lumahok ay ang Burgos Elementary School, Owaog-Nebloc, Baliwet, Banawen, Moraza at Belbel Elementary School, Maguisguis, Nacolcol, at Palis Integrated Schools at San Marcelino National High School.
Nabatid na bago simulan ang pilot face-to-face classes ay isinasailalim muna sa libreng RT-PCR test ng lokal na pamahalaan ang mga guro kung saan, 2 guro sa San Marcelino National High School at 3 guro sa Baliwen ang nagpositibo sa Covid-19.
Dahil dito, itinigil muna pagpapatupad ng face-to-face classes sa dalawang eskwelahan sa lugar hanggang sa lumabas ang confirmatory test results ng mga guro. —sa panulat ni Angelica Doctolero