Pansamantalang sinuspinde ang limang Augusta AW-109 Helicopter ng Philippine Navy matapos masangkot sa aksidente ang isa sa mga ito sa bayan ng Lal-Lo, Cagayan.
Ayon kay Philippine Navy flag officer in Command Vice Admiral, Adelius Bordado, ito’y normal na proseso habang iniimbestigahan ang aksidente.
Paglilinaw naman ni Bordado na tumagilid lang habang palapag sa designated landing zone ang Philippine Navy AW-109 helicopter na may tail number na NH435 at hindi nag-crash.
Aniya, nagtamo lang ng kaunting gasgas ang piloto ngunit lahat ng apat na sakay ng chopper ay dinala sa ospital para sa routine check-up.—sa panulat ni Airiam Sancho