Nasawi ang limang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa magkasunod na sagupaan sa Negros Occidental.
Habang wala namang naiulat na sugatan sa hanay ng mga sundalo.
Unang nakaengkwentro ng mga sundalo ng 62nd Infantry Battalion ng Philippine Army ang tinatayang 14 na miyembro ng NPA sa Sitio Napiluan, Barangay Quintin Remo sa bayan ng Moises Padilla.
Tumagal ng sampung minuto ang labanan at palitan ng putok bago hiwalay na tumakas ang armadong grupo.
Naka-engkuwentro naman ng isang platoon ang anim na hinihinalang rebelde na tumatakas sa may Sitio Oway-Oway sa parehong barangay.
Nakuha sa lugar na engkuwentro ang mga baril, granada, bala, flag ng NPA, at mga personal na gamit at pagkain.