Patay ang limang (5) hinihinalang miyembro ng robbery-holdup group sa engkwentro sa mga pulis sa Macapagal Boulevard, Parañaque City, kagabi.
Tinukoy ng mga otoridad ang mga nasawi na miyembro umano ng Candelario robbery holdup group.
Ayon kay Police Col. Robin Sarmiento ng Parañaque City Police, unang naaresto ang dalawang (2) miyembro ng grupo.
Ginamit aniya nila ang cellphone ng mga ito para makausap ang iba pang kasamahan ng mga suspek.
Nakitapagtagpo sa mga pulis ang mga suspek sakay ng van at kotse ngunit nakaramdam ang mga ito na pulis ang kanilang katagpo dahilan para mauwi sa engkwentro.
Nakatakas ang drayber ng sasakyan habang narekober naman sa crime scene ang limang (5) baril, isang kotse at ilang kagamitan ng mga suspek.