Naharang ng militar ang tangkang pagpapasabog sa ilang lugar sa Sultan Kudarat kasunod ng ginawang counter-terrorist operations nito sa lalawigan.
Nakumpiska ng mga awtoriad ang ilang improvised explosives at triggering devices sa bahagi ng Brgy. Dmakling sa bayan ng Pagalad.
Ayon kay Lt/Col. Harold Cabunoc, commander ng 33rd infantry battalion ng Philippine Army, ginawa nila ang operasyon matapos mapag-alamang may bombang nakatanim sa liblib na barangay sa nasabing bayan.
Dahil dito, arestado ang limang indibiduwal sa lugar at nasamsam ang apat na bomba, tatlong kalibre kuwarenta’y singkong baril at M1911ai pistol.
Gayunman, nakatakas ang dalawa pang kilabot na suspek na kinilalang sina Abu Jihad at Ustadz na tumalon sa Liguasan Marsh nang makita ang mga sundalo.