Arestado ang limang hinihinalang terorista sa lalawigan ng Maguindanao.
Kasunod na rin ito ayon kay Army 33rd Infantry Battalion Commanding Officer Lt. Col. Harold Cabunoc nang pagsalakay ng mga awtoridad sa kuta ng mga rebelde sa Barangay Damakling Paglat.
Gayunman, nakatalon sa Liguasan Delta ang dalawa pang suspected terrorists.
Nakuha sa mga suspek ang tatlong kalibre .45 pistola, mga bala at apat na improvised explosive device (IED).
—-