Arestado ang 5 indibidwal matapos mahuling nagsusugal sa Brgy. Manggahan, Pasig City.
Kinilala ang mga suspek na sina Antonio Bahandi y Calme, 40-anyos; Joseph Compendio y Gamboa, 35-anyos; Jobel Pedernal y Castaneto, 43-anyos; Amado Rivera Jr. Y Llegaria, 59-anyos; at Remegio Cesista y Gubala, 47-anyos.
Ayon sa arresting officers na sina, PCPL Jordan S. Juanico, PCPL Roderick C. Ullero at Police Pat. Jomar T. Adique, nakatanggap ng report ang Eastern Police District Pasig City Police Station kaugnay sa iligal na pagsusugal ng mga suspek dahilan para isailalim sa surveilance ang lugar.
Nakuha sa mga suspek ang isang set ng baraha kasama ng P540 at betting money.
Sa ngayon, dinala muna sa Rizal Medical Hospital ang mga suspek upang isailalim sa examination kung gumagamit ba ang mga ito ng iligal na droga saka idederetso sa kustodiya ng Pasig City Police Station bago sampahan ng kaukulang kaso.—sa panulat ni Angelica Doctolero