Arestado ang 5 indibidwal matapos mahuli ng pwersa ng Department of Agriculture at Philippine National Police na nagbebenta ng libreng binhi.
Sa pinagsamang pwersa ng Office of Inspectorate and Enforcement ng DA at Criminal Investigation and Detection Group ng PNP, nahuli ang mga indibidwal na nagbebenta ng hybrid rice seeds na libreng ipinamamahagi ng kagawaran.
Kinilala ang mga suspek na sina Rubenio Sebastian, 44-anyos; Salvador De Vera, 32-anyos; Delino Campos, 52-anyos; judith guillermo, 46-anyos; at Harvey Guillermo, 24-anyos na naaresto sa Rizal, Quirino at San Juan, Isabela.
Nakumpiska sa mga suspek ang 53 sako ng hybrid rice seeds na nagkakahalaga ng P265,000.
Sa ngayon, nahaharap na ang mga suspek sa paglabag sa Consumer Act of the Philippines 1991, Anti-Fencing Law or Presidential Decree 1612, at Estafa.