Limang (5) aircraft mula Japan ang rerentahan ng Pilipinas upang tumulong sa Philippine Navy sa pagpapatrolya sa West Philippine Sea.
Bukod sa rerentahang TC-90 training planes mula Japan, bibili rin ang Pilipinas ng isang dosenang military aircraft ngayong taon hanggang sa 2017 mula sa ibang bansa.
Ayon kay Pangulong Beningo Aquino III, umabot na sa mahigit P58 billion pesos o 1.2 billion dollars ang nagastos ng gobyerno simula noong 2010 upang i-modernize ang armed forces.
Hindi naman idinetalye ni Pangulong Aquino kung kailan darating sa bansa ang 5 Japanese aircraft.
By Drew Nacino