Nagpasikat ang 5 K-pop groups sa kanilang performances sa I Pop U in Manila nitong nakalipas ng Biyernes ng gabi.
Sinalubong ng hiyawan ang K-pop girl group na Alice mula sa high energized fans na dumalo sa Smart Araneta Coliseum.
Memorable ito sa Xdinary Heroes na nagpamalas ng kanilang kauna-unahang performance sa Pilipinas.
Nagpakitang gilas din ang Golden Child sa pamamagitan ng stylish dance moves. Habang game na game ding kumasa sa mga challenges ang grupong Wayv.
Ginulat naman ng NCT Dream ang kanilang Pinoy fans sa kanilang hit songs performance na Hot Sauce at Beatbox.
Nagpahatid ng pasasalamat ang limang grupo sa suporta at mainit na pangtanggap sa kanila. – sa panunulat ni Maze Aliño- Dayundayon