Hindi makaka-graduate ang 5 kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) na kandidato sana para magtapos ngayong araw.
Ayon kay PNPA Spokesman Police Chief Insp. Ritchie Yatar, ito’y dahil nakitaan ang lima ng paglabag sa honor code.
Batay sa honor code ng PNPA ipinagbabawal ang pagsisinungaling, pandaraya at pagnanakaw.
Alinman sa mga ito ang labagin ng mga kadete, tiyak na malaki ang epekto sa kanilang estado sa akademya.
Ayon pa kay Yatar, 2 sa 5 kadete ang sinipa na sa akademya habang under observation pa ang kaso ng tatlong kadete upang malaman kung dapat din silang i-dismiss o pagbigyan pa ng isang pagkakataon.
Ngayong araw, ginaganap sa Silang Cavite ang graduation ceremony ng 253 kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA).
Magkatabi naman sa entablado sina Pangulong Benigno Aquino III at Vice President Jejomar Binay na parehong dumalo sa nasabing seremonya.
By Jonathan Andal