Nagkasundo na ang Pilipinas at U.S. sa pagtukoy sa limang karagdagang sites na pagtatayuan ng mga infrastructure project sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).
Ayon sa isang senior U.S. Defense Official, nagkasundo na rin ang mga liderato ng defense department ng dalawang bansa na bilisan ang pagpopondo para sa limang nasabing proyekto.
Layunin anya nito na mapabilis ang pagtugon ng pwersang pilipino at amerikano sa tuwing may mga kalamidad at krisis sa Pilipinas.
Una nang tinukoy ng Pilipinas at Amerika ang basa airbase sa pampanga; fort magsaysay military reservation sa nueva ecia;
Lumbia air base sa Cagayan De Oro City; Antonio Bautista Air Base sa Palawan at Mactan Benito Ebuen Air Base sa Cebu bilang EDCA sites.
Gayunman, hindi pa binabanggit ng dalawang bansa ang limang karagdagang sites, na kailangan pang sumailalim sa consultation.