Limang kasunduan ang nilagdaan ng Pilipinas at Jordan kasabay ng bilateral meeting nina Pangulong Rodrigo Duterte at King Abdullah II.
Ang mga kasunduan ay may kaugnayan sa defense, maritime at political cooperation.
Gayundin ang pangangalaga sa mahigit 48,000 mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Jordan.
Samantala, aabot naman sa mahigit 60 bilyong dolyar ang nalagdaang business deals sa pagitan ng Pilipinas at Jordanian businesses.
Mismong si Pangulong Duterte ang sumaksi sa paglagda sa nasabing mga kasunduan sa isang business forum.
Inaasahan namang makakalikha ang mga ito ng mahigit 400 mga trabaho sa larangan ng information technology, software and mobile development at manufacturing.
2 attack cobra helicopters
Nakatakdang tanggapin ng Pilipinas sa susunod na taon ang dalawang segunda manong attack cobra helicopters mula sa bansang Jordan.
Iyan ang kinumpirma ng Malacañang matapos ang pagpupulong sa pagitan nila Pangulong Rodrigo Duterte at Jordan King Abdullah II.
Ayon kay Special Assistant to the President Bong Go, maliban sa dalawang helicopter, may mga kasama pa ito tulad ng mortars, baril, rifles at rpg o rocket propelled granades.
Sinabi ni Go na makukuha lamang ang mga naturang helicopters sa sandaling matapos na ang mga piloto ng Philippine Air Force na nakatoka rito sa kanilang pagsasanay.
Magugunitang inihayag ni Philippine Ambassador to Kingdom of Jordan Akmad Atlah Sakkam na mainam na may matibay na ugnayan ang Pilipinas at Jordan para labanan ang terorismo na laganap sa buong mundo.
—-