Hawak na ng Indian Police ang 5 indibiduwal na itinuturong nasa likod ng sunog sa bantog na Puttingal Devi Temple sa Kerala Province.
Sinasabing nagmula ang sunog sa pumalyang fireworks display sa lugar na mahigpit na ipinagbabawal ng district administration.
Kaugnay nito, pumalo na sa 105 ang nasawi sa nasabing sunog habang mahigit 500 naman ang naitalang sugatan.
Damay sa nangyaring sunog ang stockpile ng mga paputok kung saan, natupok din ng apoy ang temple office building, storage shed at kalapit na mga kabahayan sa Kollam.
By Jaymark Dagala
Photo Credit: cnn