Nasawi ang limang katao habang 18 ang sugatan sa naganap na mass shooting sa LGBTQ nightclub sa US City ng Colorado Springs.
Ayon kay police spokesperson Pamela Castro, nakatanggap ang pulisya ng emegency call bago maghating-gabi na nagsasabing mayroong naganap na pamamaril sa isang club na kilala bilang Club Q.
Agad namang rumesponde ang pulisya at medikal upang gamutin ang mga sugatan na biktima sa naturang lugar.
Nahanap na ng awtoridad ang isang indibidwal na pinaniniwalaan na suspek sa insidente ng pamamaril. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla