Lima katao ang patay habang limang iba pa ang sugatan matapos ang pagsabog na nagresulta sa pagguho ng isang gusali sa Leicester, England.
Ayon sa Leicestershire Police, nasunog din ang dalawang palapag na apartment dahilan upang magsilikas ang mga residente sa mga karatig gusali.
Inaalam na ng mga otoridad ang sanhi ng pagsabog habang nagpapatuloy ang search and rescue operations.
Samantala, isinantabi muna ng pulisya ang anggulong terorismo sa naturang insidente.
Posted by: Robert Eugenio