Patay ang lima (5) katao habang tatlumpu (30) ang sugatan matapos madiskaril ang isang pampasaherong tren sa India.
Ayon sa ulat, nangyari ang aksidente sa Harchandpur na matatagpuan sa pitumpu’t pitong (77) kilometro timog ng Lucknow.
Agad namang rumesponde ang mga awtoridad sa pinangyarihan ng aksidente.
Iniimbestigahan na ng mga kinauukulan ang sanhi ng pagkakadiskaril ng tren.
—-