Patay ang limang indibidwal matapos umanong pagbabarilin ng mga pulis ang mga supporters ni opposition leader Raila Odinga sa Nairobi, Kenya.
Sinasabing sumiklab ang gulo nang sumugod ang mga taga – suporta ni Odinga malapit sa Jomo Kenyatta International Airport matapos itong umuwi galing sa ibayong dagat.
Giit ng Kenyan National Police Service, nagnanakaw ang mga napatay kaya’t pinagbabato ng mga tao.
Taliwas naman ito sa statement ng National Super Alliance o NASA ni Odinga na nagsasaad na pinagbabaril ng mga pulis ang mga sibilyan sa gitna ng demonstrasyon.
Subalit nanindigan ang Kenyan police na hindi sila gumamit ng mga bala o “live ammunition” dahil tanging tear gas at water cannons lamang ang ginamit nilang pantaboy laban sa mga rallyista.