Limang (5) manggagawa ang patay sa landslide sa Barangay Peñaranda, Kabasalan, Zamboanga Sibugay kahapon.
Kinilala ang apat sa mga nasawi na sina Sannylito Tuquib, Danilo Balicoco, Adrian Ledesma at Jeffrey Lamparas na pawang residente ng Purok 5, Barangay Tigbangagan.
Sa inisyal na imbestigasyon, natutulog ang mga biktima nang maganap ang landslide bandang alas-5:00 ng madaling araw.
Narekober na ang bangkay ng ika-limang fatality, subalit hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan nito.
By Meann Tanbio
SMW: RPE