Patay ang lima (5) katao matapos tumama ang magnitude 6.7 na lindol sa India.
Ayon kay Anurag Gupta ng National Disaster Management Authority, bukod sa mga nasawi ay 33 iba pa ang nasugatan sa pagyanig.
Una nang iniulat ng US Geological Survey o USGS na natunton ang sentro ng lindol sa hilagang kanluran ng Imphal City, malapit sa Myanmar border.
Idinagdag pa ng USGS na ang lindol ay may lalim na 57 kilometro kung saan bahagya rin nitong niyanig ang Myanmar.
By Jelbert Perdez