Lima (5) ang naitalang nasawi matapos na umatake ang isang suicide bomber sa loob mismo ng isang simbahan sa Potiskum, Nigeria.
Ayon sa ulat, kabilang sa mga namatay ang isang pari, isang babae at kanyang dalawang anak sa nangyaring pag-atake sa Redeemed Christians Church of God.
Bagama’t hindi pa inaako ng grupong Boko Haram ang insidente, sinabi ng mga otoridad na ang naturang target at lokasyon ay madalas na inaatake ng naturang militanteng grupo.
By Rianne Briones