Patay ang limang pasaherong sakay ng isang private plane matapos itong bumagsak sa Madagascar.
Ayon sa Civil Aviation of Madagascar, ino-operate ang nasabing piper PA 32 aircraft ng Madagascar Trans Air.
Nagsasagawa umano ito ng training flight sa Ivato Airfield nang mangyari ang insidente.
Patuloy namang iniimbestigahan ng Civil Aviation Accident and Incident Investigation Bureau ng Madagascar ang dahilan sa pagbagsak ng nasabing eroplano.
—-