Patay ang 5 katao habang 11 iba pa ang nawawala dahil sa mga pagbaha sa Yunnan Province sa China.
Ayon sa mga otoridad, maliban sa mga nasawi ay 15 katao rin ang kumpirmadong nasugatan.
Sunod-sunod ang mga pag-ulan sa naturang probinsiya dahilan upang umapaw ang Liyu River na puminsala sa maraming bahay at gusali.
Nagpapatuloy ang search and rescue operations habang inilikas naman ang maraming mamamayan sa naturang lugar.
By Jelbert Perdez