Patay ang 5 katao sa pamamaril sa isang eskuwelahan sa isang remote area sa Saskatchewan, Canada.
Kinumpirma ito ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau matapos ang pamamaril sa La Loche School kung saan dalawa katao pa ang nasa kritikal na kondisyon.
Kinumpirma ni La Loche acting Mayor Kevin Janvier na hawak ng mga otoridad ang isang suspek sa nasabing pamamaril sa La Loche School.
Ayon sa Canadian Broadcasting Corporation, isang hospital nurse ang kabilang sa mga ginagamot matapos tamaan ng putok.
Ipinabatid naman ni La Loche Grade 10 student Noel Desjarlais na nakarinig siya ng maraming putok patungo sa paaralan.
Malinaw sa cellphone video ng isang residente at broadcast ng CBC ang paglalakad ng mga estudyante palabas ng paaralan.
Ang La Loche Community School ay isang pre-kindergarten to grade 12 school na may 900 estudyante na nag-aaral sa dalawang gusali.
By Judith Larino