Patay sa pamamaril ang lima (5) katao, kabilang ang isang menor de edad sa Biñan, Laguna.
Kinilala ang mga biktima na sina Arnel Barce at kapatid nitong si Raner; Darwin Villareal, Mark Robin Ignacio, at Rico Lasarena.
Ayon kay Biñan Police Chief Supt. Serafin Petalio, hinihinalang sangkot sa illegal drug trade ang isa sa mga biktima.
Sinabi ni Petalio na isa pa sa tinitignan nilang anggulo ay ang posibleng gang war sa pagitan ng grupo ni Barce at isa pang grupo.
By Meann Tanbio