Patay ang lima (5) katao at labing dalawang (12) iba pang sugatan sa aksidente sa lansangan sa Kawit, Cavite.
Ayon kay Chief Inspector Jeffrey Punzalan ng Kawit Police, self-accident ang nangyaring pagbangga ng isang jeep sa poste sa Centennial Highway kaninang alas-6:00 ng umaga.
Ang naaksidenteng jeep ay service vehicle ng mga empleyado ng EPZA o Export Processing Zones Authority.
Agad namang dinala sa Divine Grace Medical Hospital ang mga nasugatang pasahero.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang naturang aksidente.
By Judith Larino / (Ulat ni Jonathan Andal)