Patay ang hindi bababa sa 5 katao matapos pasabugin ng 4 na babaeng teenager ang kani kanilang sarili sa bansang Cameroon kahapon.
Ayon sa report ng Agence France –Presse, pinasabog ng isa sa mga batang babae ang kanyang sarili sa bahay ng isang village chairman sa Fotokol Northern Cameroon, dahilan para masawi ang pamilya ng lider ng nasbaing lugar.
Wala namang nasawi nang pasabugin ng 3 pang mga dalagita na nasa edad 15, ang kani kanilang mga sarili.
Ang bayan ng Fotokol sa Camerroon ay malapit lamang sa border ng Nigeria na madalas atakehin ng grupong Boko Haram Islamists.
Bagamat wala pang umaako ng responisibilidad sa insidente, pinagsusupetsyahan naman ng mga otoridad ang grupong Boko Haram dahil kilala ang mga ito sa pag gamit ng mga batang babae sa mga suicide bombing.
By: Jonathan Andal