Dalawang insidente ng sunog ang sumalubong sa pagsisimula ng fire prevention month.
Patay ang lima (5) katao kabilang ang tatlong (3) batang magkakapatid, sa sunog sa Barangay Pinagsama sa Taguig, kagabi.
Ayon kay Taguig Fire Marshal Maj. Ian Guillermo, nadaganan ang mga batang Lozano na may edad anim (6), walo (8) at labing dalawa (12) kasama ang kanilang lolo at lola na kinilalang sina Ramon at Virginia Benjamin.
Sinabi ni Guillermo na nagmula ang sunog sa isang bahay na walang kuryente at mabilis itong kumalat dahil gawa sa light materials ang mga bahay sa lugar.
Sa inisyal na pagtaya, umabot sa dalawang daang libong piso (P200,000) ang halaga ng pinsala ng sunog.
Ang isa pang sunog ay naganap sa isang establisyemento sa Quirino Avenue sa bahagi ng Barangay Tambo sa Parañaque.
Sinabi ni Bureau of Fire Arson Investigator Chief Insp. Wilson Tan na puno ng styrofoam at mga karton ang nasunog na stockroom ng isang forwarding corporation.
Tumagal lamang ng halos dalawang (2) oras ang sunog na tumupok P20,000 halaga ng mga ari-arian.
By Katrina Valle | Report from Jopel Pelenio (Patrol 17)