Pinaghahanap na ngayon ng mga otoridad ang 5 katao matapos matabunan ng gumuhong lupa dahil sa landslide sa Bukidnon.
Naganap ang insidente sa Sitio Mabuhay, Barangay San Luis sa Malitbog, Bukidnon kahapon.
Sa imbestigasyon ng Philippine National Police, kabilang sa natabunan ang 3 heavy equipment operator ng lokal na pamahalaan ng malitbog.
Kinilala ang mga ito na sina; Nerio Talines, operator ng backhoe loader; dump truck driver na si Raffy Simprota, at dump truck helper na si Jordan Achas.
Hinahanap din ang katawan ng mag-asawang Lucrecio at Angelina Lauronal matapos matabunan ng lupa ang kanilang bahay.
Sa ngayon, tumulong na ang mga sundalo ng 16th Infantry Battalion ng Philippine Army sa pagsasagawa ng search and retrieval operations para mahanap ang limang mga nawawala.